32.8 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Jollibee nagbigay ng P5M donation sa National Academy of Sports

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGSAGAWA ng ceremonial turnover of donations ang Jollibee Foods Corporation at National Academy of Sports sa NAS Campus kahapon, Lunes, sa Capas, Tarlac na dinaluhan ng double gold medalist sa Paris Olympics 2024 Carlos Yulo.
Bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Chairperson ng NAS Board of Trustees, pinasalamatan ni Secretary Angara ang Jollibee sa P 5 million-worth of donations nito sa NAS para sa improvement ng kanilang infrastructure at equipment.
“Thank you very much to Jollibee for the care. Ang Jollibee po ang kauna-unahang galing sa pribadong sektor na nag-alay o nagbigay ng donasyon dito sa NAS,” ani Secretary Angara.
“Jollibee has always been an advocate of Pinoy Pride. In honor of the historic feat of the Team Philippines during the Paris Olympics, we are boosting our efforts in helping build the next generation of world class Pinoys,” pahayag ni Ferns Yu, Jollibee Foods Corporation President.
Samantala, nagbigay rin ng inspiring message si Carlos Yulo sa mga batang atleta lalo na sa mga student-athlete ng NAS.
“As athletes, alam natin na may mga araw na panalo, may mga araw na talo, pero parte ng buhay atleta ang setbacks that will only make you stronger,” bahagi ni Yulo.
Nagsagawa rin sa nasabing event ng NAS Campus Tour kasama si Secretary Angara at mga kinatawan ng Jollibee. Nag-observe naman at nagbigay ng payo si Yulo sa mga learner-athlete ng gymnastics.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -