25.8 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

VP Sara nakipagpulong sa mga brgy officials ng Mangcawayan, Vinzons, Camarines, Norte

- Advertisement -
- Advertisement -
NAKIPAG-MEETING si Vice President Sara Duterte kay Kapitan Gracita Austria at barangay council sa Brgy Mangcawayan. Vinzons, Camarines Norte.
Kuwento ng Ikalawang Pangulo, “Habang nasa isla tayo ng Calaguas, nakipagpulong tayo sa Brgy. Officials ng Mangcawayan, Vinzons, Camarines Norte na pinangunahan ng kanilang Punong Barangay.
“Ipinaabot nila sa atin ang ilan sa mga hinaing nila sa kanilang island barangay katulad ng kakulangan sa pagkukunan ng malinis na tubig, kawalan ng kuryente, at problema sa telecommunications.
“Ang islang ito ay nasa dalawang oras na byahe mula sa Vinzons at isa sa may pinakamagandang baybayin sa Calaguas.
” Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin sa mala-paraiso ninyong lugar.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -