25.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

DENR NCR nagsagawa ng isang pagsasanay para sa Deputation of Wildlife Enforcement Officers

- Advertisement -
- Advertisement -
SA isang mapagpasyang hakbang upang palakasin ang mga pagsisikap sa konserbasyon ng wildlife sa Metro Manila, ang DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Enforcement Division (ED) nito, ay nagsagawa ng isang pagsasanay para sa Deputation of Wildlife Enforcement Officers (WEO) noong ika-25 hanggang ika-27 ng Setyembre sa Quezon City.
Ang krimen sa wildlife ay nananatiling isang malalang pandaigdigang isyu, na nagbabanta sa biodiversity at nakasisira ng mga pagsisikap sa pag-iingat. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga WEO ng advanced na pagsasanay, nilalayon nitong pahusayin ang mga kasanayan at kakayahan ng mga kawani, na mula sa Veterinary Office ng labing-pitong yunit ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila. Kasama rin dito ang maging epektibo sa paglaban sa ilegal na kalakalan ng mga wildlife, pagpapatupad ng mga regulasyon, at pagtataguyod ng mga sustainable practices.
“By investing in the capacity of our Wildlife Enforcement Officers, we are taking a vital step toward safeguarding our environment’s irreplaceable wildlife. This initiative not only empowers our officers but also strengthens the collective effort to combat wildlife crime,” ayon kay DENR-NCR Regional Executive Director Atty. Michael Drake Matias, na bahagi ng kanyang mensahe para sa mga kalahok.
Ang tatlong araw na pagsasanay na ito ay pinangunahan ni ED OIC Maricar Puno-Sanchez, katuwang ang mga eksperto sa nasabing larangan. Bahagi sa mga paksang tinalakay rito ni Ms. Maria Teresa A. Relos ay ang kasalukuyang lagay ng buhay-ilang sa bansa maging ang mga salient provision ng Republic Act No. 9147 (R.A. No. 9147) o Wildlife Resources Conservation Act of 2001.
Nakatanggap din ang mga kawani ng basic principles sa pagkilatis at pagtuklas ng mga buhay-ilang na kinabibilangan ng parehas na flora at fauna mula kay Dr. Glenn S. Maguad ng Biodiversity Management Bureau. Dagdag din dito, ipinaliwanag ni Mr. Jonathan Peña mula sa Licenses, Patents, and Deeds Division ang iba’t ibang permit at ang kahalagahan ng pagkakaroon nito na may patungkol sa buhay-ilang.
Pinag-usapan din ang Protocols on Wildlife Law Enforcement na pinangunahan ni Atty. Fritzielyn Q. Palmiery ng Tanggol Kalikasan, Inc., at sinundan ng pagtalakay ng mga gampanin at responsibilidad ng mga itinalagang WEOs ni Rey Florano na parehas na makatutulong sa epektibong pagpapatupad ng mga batas sa pagprotekta sa kalikasan.
Ang mga kaaalaman din pagdating sa Cave Management and Protection at Protected Area Management ay ibinahagi rin sa mga kalahok nina For. Kerk Zairius Calvara ng Conservation and Development Division at Renz Marion Gamido ng ED.
Ang DENR-NCR ay patuloy na nagpapatupad at nagsasagawa ng mga komprehensibong estratehiya na idinisenyo upang pataasin at palawigin ang kamalayan, pahusayin ang pagpapatupad ng batas, at isulong ang pakikilahok ng komunidad sa proteksyon ng mga buhay-ilang.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -