NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy si dating Batangas governor Vilma Santos-Recto upang bumalik bilang governor muli ng Batangas na kanyang pinaglingkuran ng tatlong termino simula 2007.
Nag-file siya ng kanyang COC nitong Huwebes, Oktubre 3, 2024 sa Commission on Elections sa Batangas Provincial Capitol kasama ang kanyang dalawang anak na sina Lucky Manzano na tatakbo bilang vice governor at Ryan Christian Recto na tatakbo bilang congressman sa 6th District, parehong posisyon na inukopa ng kanyang amang si Finance Secretary Ralph Recto.
Taong 1998, pumasok siya sa pulitika at naging mayor ng Lipa City, Batangas mula 1998 hanggang 2007 bilang pinakaunang mayor na babae ng lungsod ng Lipa.
Taong 2007, tumakbo siya bilang governor ng Batangas at naging governor-elect noong Mayo 21, 2007. Tinanghal siyang pinakaunang governor na babae sa lalawigan ng Batangas.
Samantala, si Luis Philippe Santos Manzano, kilala sa kanyang nickname na Lucky ay papasok sa pulitika sa kauna-unahang pagkakataon bilang vice governor at magiging kalaban ni Batangas Gov Hermilando Mandanas.