30.3 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

PBBM bumisita sa Batanes at nagsagawa ng aerial inspection sa Ilocos Norte para matugunan ang pinsala ng bagyong Julian

- Advertisement -
- Advertisement -

BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Basco Central School sa Barangay San Antonio, Basco, Batanes, para alamin ang lawak ng pinsala ng Bagyong Julian sa mga pasilidad ng paaralan, maging ang mga hakbang na kailangan para sa mabilis nitong pagsasaayos.

Siniguro ni Pangulong Marcos Jr. ang suporta ng pamahalaan sa pagsasaayos ng mga tahanan sa Batanes sa kanyang personal na pag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Julian ngayong ika-4 ng Oktubre.

Sa distribusyon sa Basco, Batanes, tulong pinansyal na halagang P25 milyon ang dala ng Office of the President, habang P15 milyon naman ang mula sa Office of the House Speaker. Kasama ng 14,000 na kahon ng food packs at non-food items, namahagi rin ng tig-P10,000 kada indibidwal ang DSWD, at ng 10 kilong bigas sa 4,000 na indibidwal ang Office of the Civil Defense.

Upang masiguro ang mabilis na pag-ahon at ang pangmatagalang katatagan ng Batanes mula sa mga kalamidad, tinalakay ng Pangulo at ng mga lokal na opisyal ang mga pangangailangan ng probinsya.

 

Mula sa Laoag, nagsagawa ang Pangulong Marcos Jr. ng aerial inspection sa Ilocos Norte upang suriin ang lawak ng pinsala ng mga nagdaang kalamidad, at mabigyan ng epektibong solusyon ang mga pangangailangan ng probinsya pagdating sa disaster resilience.

Pagkatapos ay nagsagawa ng situation briefing sa epekto ng Super Typhoon ‘Julian’ sa Ilocos Norte Provincial Capitol sa Laoag City kasama ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Agriculture (DA) para magbigay ng updates sa kanya.

Pinangunahan din niya ang pamimigay ng  aid mula sa ‘Ayuda Para sa Kapos ang Kita’ (AKAP) program para sa  5,800 apektadong residente.

Ang mga nasira ng bagyo sa  Ilocos Norte ay tinatayang may halagang P384 milyon, na may agricultural losses na P87 milyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -