28.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Mamamayan sa barangay ng Victoria nagpasalamat dahil sa ‘Revitalized Pulis sa Barangay’

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPASALAMAT ang mga mamamayan sa Brgy. San Cristobal sa bayan ng Victoria, Oriental Mindoro dahil sa mga tulong na ipinamahagi ng mga pulisa at tauhan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA)

Ito ay naging bahagi ng mga programa sa ilalaim ng Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) na programa ng pamahalahan, partikular ng Department  of the Interior and Local Government (DILG).

Ang RPSB ay inilunsad noong 2011 kung saan kumakatawan ito sa pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas at panuntunan para sa komunidad at nagbibigay din ng kasiguruhan sa kaligtasan at seguridad sa mga barangay, kung saan sila nakatalaga, ayon na rin sa DILG.

Isinagawa kamakailan ang pamimigay ng tulong at iba pang mga serbisyo sa nasabing barangay ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Philippine National Police, kasama ang NICA.

Sinabi ni 1st PMFC Force Commander, Police Lt. Col. Jan Alexis Basañes,  “tungkulin naming mga pulis na pangalagaan ang seguridad at katahimikan ng bansa, at hindi lamang dito nagtatapos ang aming tungkulin kundi ang paglingkuran ang mamamayan ng buong puso at pagmamahal.”

Ilan sa mga ipinagkaloob na serbisyo ay ang libreng gupit, pamimigay ng mga tsinelas, school supplies at food packs, gayundin ang libreng medical at dental services at pag-aaral sa paghahanap-buhay katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) at pagbibigay impormasyon tungkol sa mga layunin at masasamang gawain ng mga rebeldeng grupo na New Peoples Army o NPA.

Samantala, pinasalamatan ni Barangay Chairperson Jesusa P. Rabi ang mga pulis gayundin ang mga tauhan ng Victoria Municipal Police Station at mga kawani ng Bureau of Fire Protection-Victoria sa pagpapahalaga sa komunidad na kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng mga libreng serbisyong kaloob ng pamahalaan na siyang bahagi pa rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang naturang barangay ay may populasyong 839 na binubuo ng 41 pamilya, kabilang dito ang mga katutubong Mangyan mula sa tribong Tadyawan at mga Ita na may bilang na 74 ang babae at 70 ang mga lalake. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -