SA pagsasagawa ng Barangay Assembly, pinapayagan ang mga dumalong residente na magtanong sa mga opisyal ng barangay.
Ang mga opisyal ng barangay ay dapat magsagawa ng “Open Forum” pagkatapos nilang ilahad at talakayin ang mga paksa o usaping pambarangay. Dapat ding hikayatin ang mga dumalong miyembro ng barangay na ipahayag ang kanilang mga pananaw, opinion, sentimyento, at/o rekomendasyon sa kasalukuyang alalahanin o problema na kinakaharap ng barangay. Ang mga nailatag na mungkahi ay maaaring gawing basehan ng Sangguniang Barangay sa pag paggawa ng batas.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagsasagawa ng Barangay Assembly para sa ikalawang semestre ng 2024, basahin ang Memorandum Circular 2024-136 sa link na ito: https://shorturl.at/aiVed