31.9 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

109 Hawksbill sea turtle ibinalik sa karagatan ng Brgy. Cagmanaba, Oas, Albay

- Advertisement -
- Advertisement -

TINATAYANG 109 Hawksbill sea turtle (๐˜Œ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜บ๐˜ด ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ข) hatchlings ang tinulungang makabalik sa karagatan ng Brgy. Cagmanaba, Oas, Albay. Salamat sa team mula sa DENR Cenro Guinobatan at sa Ticao-Burias Pass Protected Seascape management.

 

Tuwang-tuwa ang residenteng si Ronnel Batuhan sa kanyang nasaksihan at sinabing, “Sa tagal kong nakatira rito, eto ang unang pagkakataon na makakita ako ng pag-release ng mga turtle hatchlings. Masaya ako na nasaksihan ko ito. Kaya importante talaga na dapat alagaan natin ang kalikasan at ang karagatan dahil marami ang mga hayop na naninirahan dito.”

Ang mga pagong na Hawksbill ay endangered sa ilalim ng DAO 2019-09 (Updated National List of Threatened Philippine Fauna and their Categories). Ang pagprotekta sa mga ito ay mahigpit na ipinatutupad sa ilalim ng Republic Acts No. 11038 at No. 9147. Tinatawagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat na maging mapagmatyag at iulat kapg may nalamang iligal na paghuli o pagtatago ng mga wildlife para makatulong na protektahan ang biodiversity.

Halaw sa Facebook page post ng DENR Bicol

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -