26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Legarda pinuri and pagsasabatas sa Magna Carta of Seafarers

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ni Senador Loren Legarda ang paglagda bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Magna Carta of Filipino Seafarers.

Ang bagong batas na ito ay naglalayong masiguro ang karapatan ng mga lumalayag sa disente, makatao, at makatarungang mga kondisyon sa loob ng mga barko, pati na ang pagpuno sa mga kakulangan ng batas na nakaapekto sa kabuhayan ng iba.

“Tayo ay umaasa na makatutulong ang bagong batas na ito sa ating mga Filipino seafarer, ang isa sa pinakamahusay sa mundo, na makaagapay sa makabagong alituntunin ng mga international convention,” pahayag ni Legarda, ang author at co-sponsor ng batas.

“Ibig rin nating mapangalagaan ang kanilang mga pamilya — ang pangunahing dahilan kung bakit ang ating mga bagong bayani ay nagpupursigi araw at gabi sa ibang bahagi ng mundo — upang mapaganda ang kanilang buhay,” dagdag niya.

Sakop ng Magna Carta of Seafarers ang lahat ng Pilipinong naglalayag sa ibayong dagat, domestic seafarers, at mga kadete na sumasailalim sa shipboard training sa mga barkong rehistrado sa Pilipinas o sa mga foreign-registered ocean-going vessels.

Nasasaad din sa batas ang ilang karapatan tulad ng ligtas na trabaho, pagbuo ng labor organizations, collective bargaining, pag-aaral, pagbabalita sa mahal sa buhay, ligtas na pagbabarko, at proteksyon mula sa diskriminasyon at harassment.

Tinatayang nasa 490,000 ang mga maritime workers ng Pilipinas noong 2022 na tumutulong na masigurong hindi delayed ang global supply chain, at nagsisiguradong ligtas ang pasahero at cargo.

“Nais nating wakasan ang nakatatakot na kondisyon na tinitiis ng ating mga manlalayag, pati na ang pagmamaltrato ng kanilang mga amo,” diin ng mambabatas.

“Bilang isa sa pinakamagaling sa mundo, nararapat lamang na tratuhin nang maayos at isulong ang mga karapatan ng Filipino seafarers. Ito ay bilang pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo at naiambag upang pagandahin ang antas ng buhay ng kanilang pamilya, pati na ng ekonomiya ng bansa.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -