MASAYANG ibinalita ni Senador Cynthia Villar ang ginawang Nature Trip at Lakbay-Aral ng kanyang organisasyon para madala ang iba’t ibang grupo mula Barangay Talon Singko sa Las Pinas Paranaque Wetland Park.
“Natutuwa po tayong makasama ang iba’t ibang grupo mula Barangay Talon Singko sa Las Pinas Paranaque Wetland Park at sa Villar Farm para sa Nature Trip at Lakbay-Aral.
Advocacy na po natin ang dalhin ang mga grupo natin dito sa Las Pinas para maipakita ang kahalagahan ng LPPWP at bakit kailangan natin itong pangalagaan. Bukod sa nagkaroon ng livelihood ang ating mga mangingisda, nagiging tirahan din ito ng malaking bilang ng migratory and resident birds, at nakakatulong sa pagpigil ng baha or storm surge.
“Ang mga grupong nakasama natin:
* CHAMI- Concerned Homeowners Association of Moonwalk Inc
* Agro Homes 1
* Agro Homes 2
* Delnor
* Doña Leoncia
* Veraville TownHomes Classic
* UMVHAI – United Moonwalk Village Homeowners Association Inc
* Moonwalk Phase 2
* Zumbakapihan
* Womens Movement Organization of Las Pinas “