PINURI ni Senador Loren Legarda ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Aniya, “Batas na ang Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na naglalayong tuldukan ang smuggling, hoarding, at profiteering sa ating sektor ng agrikultura.
“Bilang co-author ng batas na ito, sinisiguro natin na mas mapoprotektahan ang ating mga magsasaka laban sa mga mapagsamantalang negosyante, habang tinitiyak natin ang mas abot-kayang pagkain para sa bawat Pilipino.
“Maraming salamat kay Senator Cynthia Villar, author at principal sponsor ng RA 12022, para sa kanyang pagsusumikap na ito ay maisabatas. Nananatili ang aming dedikasyon na itaguyod ang karapatan ng mga magsasaka at palakasin ang sektor ng agrikultura para sa mas matatag na ekonomiya at mas maunlad na kinabukasan ng ating bayan.”