MALUGOD na iniimbitahan ang lahat na lumahok sa Layag 2: Forum sa Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Salin na magaganap sa ika-30 ng Setyembre, 2024, Lunes, 1:00-4:00 n.h. sa pamamagitan ng Facebook Live.
Pokus ng talakayan ang temang “Pagsusulong ng Batas sa Pagsasalin at Epekto ng AI sa Pagsasaling Filipino” upang matalakay ang mga patuluyang inisyatiba sa pagsusulong ng panukalang batas sa propesyonalisasyon ng mga tagasaling Pilipino; maitaya ang mga epekto ng Artificial Intelligence sa praktika ng pagsasalin sa mga wika sa Pilipinas; at magsama-sama ang mga sambayanan para sa pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Salin.
Ang pagtitipon pong ito ay inisyatiba ng binubuong Kasálin Network sa pakikipagtulungan ng Sentro sa Pagsasalin, Intelektuwalisasyon, at Adbokasiya o DLSU SALITA. Tampok na mga tagapagsalita sina Dr. David Michael San Juan, tagapangulo, Pambansang Lupon sa Wika at Salin, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at Dr. Ramon Guillermo, Direktor, Center for International Studies, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Hinihikayat ang lahat na magparehistro sa link na https://tinyurl.com/Layag2Set30 i-scan ang QR code sa poster.
Antabayanan ang programa sa Facebook Pages ng DLSU SALITA, Kasalin Network at mga miyembro nito. Makakatanggap ng Sertipiko ng Pagdalo ang mga kalahok na aktibong makikibahagi sa programa.
Para sa iba pang impormasyon, mag-email sa [email protected].