29.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 27, 2024

OPAPRU, binigyang-diin ang multi-sectoral approach sa pagkamit ng tunay na kapayapaan

- Advertisement -
- Advertisement -
 IIHAYAG ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) ang kahalagahan ng multi-sectoral approach sa pagkamit ng tunay na kapayapaan sa bansa.

Ayon kay OPAPRU Regional Adviser on Peace and Security, retired General Edgardo De Leon, kailangan ng multi-sectoral approach gaya ng pakikipag-ugnayan sa media lalo na sa pagpapataas ng kaalaman ng publiko ukol sa tunay na kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Tinalakay ni OPAPRU Regional Adviser on Peace and Security Edgardo De Leon ang ‘multi-dimensional nature of the local communist armed conflict and transformation program sa ginanap na OPAPRU, PIA Media Orientation nitong Sept. 23, 2024.

“Kailangan lang itaas ang awareness para iisa ang ating direksyon para makamtan ang tunay na kapayapaan sa ating bayan,” si De Leon.

Binigyang-diin pa ng opisyal ang kahalagahan ng information education campaigns upang maipaalam sa publiko ang tunay na kalagayan ng suliranin ng insurhensiya sa bansa.

Sinabi naman nito na bagama’t hindi pa tuluyang natatapos ang suliranin ng insurhensiya ay malapit ng mawakasan ang armadong hidwaan.

Aniya, isa sa kanilang mga tinututukan ay ang pagpigil ng communist terrorist groups (CTG) recovery o ang pagbalik sa CTG ng mga dati nang kumawala sa grupo.

“To address the CTG’s mass organization, actually, sustained good governance ang solusyon. Focus on areas vulnerable to recovery, capacitating people’s organizations so that the communist terrorist groups will be deprived of mass organizations to exploit,” ani De Leon.

Nanawagan din ito ng pagkakaisa ng bawat isa para sa holistic approach upang mawakasan ang armadong pakikibaka sa bansa.

“So, let us synchronize our efforts to deny CTGs recovery of cleared areas and prevent resurgence of armed conflict. Let us enhance our holistic efforts to make cleared areas resilient against CTG’s efforts to re-radicalize the communities.”

Sa ginanap na OPAPRU, PIA media orientation ukol sa localized peace engagement at transformation program sa Baguio City nitong Sept. 23, 2024, tinalakay ni De Leon ang ‘multi-dimensional nature of the local communist armed conflict and transformation program.’ (DEG-PIA CAR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -