28.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Misamis Occidental ideneklarang insurgent-free ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -
IDENEKLARA  na ng pamahalaan na insurgency-free ang Misamis Occidental sa seremonyang pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tangub, Misamis Occidental.
Ibinahagi ni PBBM na kumpleto na ang 46 sa 63 na proyekto sa ilalim ng Barangay Development Program para sa 51 na benepisyaryong barangay sa lalawigan. Kabilang sa mga proyekto ay farm-to-market roads, mga daanan at tulay, water supply systems, health stations, school buildings, at electrification projects.
Sa seremonya, namahagi ang pamahalaan ng tulong pinansyal at panghanapbuhay sa former rebels at benepisyaryo ng iba’t ibang programa ng Department of Social Welfare and development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DoLE).
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -