27.8 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Dalaw Turo ng Metropolitan Environmental Office (MEO) – East matagumpay na idinaos

- Advertisement -
- Advertisement -
AKTIBONG kabahagi ang DENR National Capital Region sa mga adbokasiya ng mga lokal na pamahalaan pagdating sa pagpapalaganap ng edukasyong pangkalikasan sa mga taga-Metro Manila. Isang patunay dito ang isinagawang Dalaw Turo ng Metropolitan Environmental Office (MEO) – East sa Gulayan at Bulaklakan Research & Training Center (GBRTC) ng Barangay Holy Spirit.
Tinalakay rito ang mga paksa sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at Climate Change, na dinaluhan ng mga purok leaders, mga volunteer tanod ng barangay, at mga kawani mula sa GBRTC.
Ang pagsasagawa ng mga Dalaw Turo ng MEO-East ay may na higit pang makapagturo sa publiko upang maging mga responsableng environmental stewards na malaking tulong para sa pagprotekta at pangangalaga ng kapaligiran at likas na yaman sa rehiyon, sa kabuuan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -