26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Dagdag benepisyo at oportunidad para sa mga public school teachers isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

SA gitna ng patuloy na pagdiriwang ng National Teachers’ Month, tiniyak ni Senador Win Gatchalian na patuloy niyang isusulong ang mga panukalang magbibigay sa mga public school teachers ng dagdag na mga benepisyo at oportunidad sa trabaho.

Pinoy

Dumalo si Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Basic Education, sa Pasinaya, ang pagdiriwang ng World Teacher’s Day celebration ng Division ng Davao Oriental na ginanap nitong Setyembre 27 sa Caraga, Davao Oriental.

“Nagpapasalamat ako sa ating mga guro para sa napakahalagang papel na ginagampanan nila upang hubugin ang ating mga kabataan na maging mabubuti at mahuhusay na mga mamamayan. Bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa ating bansa, patuloy nating isinusulong ang mga panukalang batas upang itaguyod ang kanilang kapakanan,” ani Gatchalian.

Muling binigyang diin ng senador ang kanyag mga panukalang batas para sa mga public school teachers, kabilang ang Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 2493), ang Career Progression System for Public School Teachers Act (Senate Bill No. 2827), at ang pag-amyenda sa Republic Act No. 7836 o ang Philippine Teachers Professionalization Act of 1994 (Senate Bill No. 2840).

Layon ng Revised Magna Carta for Public School Teachers na dagdagan ang benepisyo sa mga guro at ayusin ang mga kondisyon sa kanilang trabaho. Isinusulong ng naturang panukala ang pagbibigay ng calamity leave, ang mga kondisyon para sa pagbigay ng special hardship allowance, ang proteksyon sa mga guro pagdating sa out-of-pocket expenses, ang pagbabawal sa pagpapagawa ng mga non-teaching tasks, ang pagbabawas ng teaching hours mula anim pababa sa apat, at iba pa.

Layon naman ng Career Progression System for Public School Teachers Act na palawigin ang oportunidad ng mga guro sa pagkakaroon ng career path sa teaching, school administration, o supervision. Layon din ng naturang panukala na likhain ang mga posisyon na Teacher IV, Teacher V, Teacher VI, Teacher VII, and Master Teacher V.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -