25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Panukala ni Sen Robin para sa equal access ng Muslim at IP sa public cemeteries, nakakuha ng suporta sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPAPANAHON at dapat suportahan.

Ito ang paglarawan ni Senate minority leader Aquilino “Koko” Pimentel 3rd sa panukalang batas ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na nagbibigay ng equal access para sa Filipino Muslims at indigenous peoples (IPs) sa public cemeteries.

Sa kanyang “supportive interpellation” ng Senate Bill 1273 ni Padilla, pinuri ni Pimentel si Padilla sa pag-isip sa panukalang batas, at sa pag-akda at pag-sponsor nito.

“Actually, I think this is a very timely measure, especially that our sponsor has received actual real-life experiences na sinasagot ng panukalang batas na ito… This is a measure we should support,” ani Pimentel.

Ipinunto ni Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, na ihinain niya ang panukalang batas matapos malaman ang “real-life experiences” kung saan nagkakaproblema ang mga Muslim at IP sa paghanap ng burial grounds para sa yumaong mahal sa buhay.

Ani Padilla, nakakagalit ang mga insidente tulad ng pag-displace ng 100 labi sa mga Muslim cemetery sa Quezon City at Montalban dahil sa gawain ng quarrying company.

Dagdag niya, hinaharap ng maraming IP ang pagsunod sa mga burial traditions nila lalo sa Metro Manila dahil kailangang ibalik sa probinsya nila ang mga labi.

“Ito pong panukalang ito, ito ay ibinunga ng napakaraming malungkot na karanasan ng kapatid nating Muslim at katutubo. Katunayan, may hakbang ang NCIP, sila rin nakausap natin at sila may position na talagang merong discrimination pagdating sa katutubo,” aniya.

Nagmungkahi din si Pimentel ng panukalang mapabuti ang panukalang batas, kabilang ang floor plan para sa public cemeteries at ang hindi pagpayag sa donors ng burial lots para maimpluwensya ang pag-partition ng mga sementeryo. Pumayag dito si Padilla.

“Katanggap-tanggap ang nais ninyong amendment,” aniya kay Pimentel, na nagsabing pormal niyang imumungkahi ito pag tatalakayin ang pag-amyenda sa panukalang batas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -