PIRMADO na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act para maprotektahan ang hanapbuhay ng mga manggagawa sa agrikultura, masigurong ligtas ang pagkain, at mapanatiling patas ang presyo ng mga bilihin.
Ayon kay PBBM, ituturing na “economic sabotage” ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel operations, at papatawan ng mabigat na multa at habangbuhay na pagkakakulong ang mapapatunayang sangkot sa mga ilegal na gawain.
Sa ilalim ng batas, itatatag din ang council at enforcement group para sa pagsugpo ng smuggling operations at pagdakip sa mga lalabag sa batas.