PAANO pipiliin ang mga magiging Sectoral Representatives ng Non-Moro Indigenous Peoples (NMIP)?
Sa pangunguna ng NMIP Committee, na binubuo ng mga lider-katutubo na kabilang sa Indigenous Power Structures (IPS) ng kanilang mga tribo, isasagawa ang mga sumusunod:
TRIBAL ASSEMBLY – Ang mga tribo ay dapat maghirang ng dalawang nominado sa kanilang Sectoral Representative, at sampung delegado na lalahok sa Inter-Tribal Convention. Kalahati (50%) sa mga nominado at delegado ay mga kababaihan.
REGIONAL INTER-TRIBAL CONVENTION – Maghahalal ang lahat ng mga piniling delegado sa Tribal Assembly ng dalawang Sectoral Representative, na isang lalaki, at isang babae.
Paano pipiliin ang magiging Sectoral Representative ng Traditional Leaders?
Ang bawat Sultanate sa BARMM ay may pagkakataon na maging kinatawan sa Bangsamoro Parliament ayon sa ‘rotational basis.’ Para dito, magsasagawa ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage (BCPCH) ng isang Regional Convention of Sultans, kung saan ang mga Sultanates mula sa Maguindanao, Kabuntalan, at Buayan, kasama ang Ranao at Iranun* upang matukoy ang pagkakasunod-sunod bilang Sectoral Representative para sa Traditional Leaders sa Bangsamoro Parliament.
Pagkatapos nito ay magsasagawa naman ang Bangsamoro Electoral Office (BEO) ng isang Intra-Sultante Assembly upang bigyang-pasya ang magiging Sectoral Representative ng mga Traditional Leaders sa Bangsamoro Parliament.
Paano pinipili ang magiging Sectoral Representative ng ‘Ulama?
Pangungunahan ng Bangsamoro Darul Ifta’ ang pagbuo ng isang ‘Ulama Council na kinabibilangan ng mga respetado at kilalang lider-relihiyoso mula sa mga lugar at probinsya sa BARMM*. Isasagawa ng ‘Ulama Council ang mga sumusunod:
PROVINCIAL ‘ULAMA ASSEMBLY – Magsasagawa ng isang assembly sa anim (6) na lugar at probinsya sa BARMM* para maghirang ng mga magiging nominado at delegado sa Regional Assembly.
REGIONAL ‘ULAMA ASSEMBLY – Ang mga hinirang na delegado mula sa Provincial Assembly ay pipili sa mga naging nominado kung sino ang magiging ‘Ulama Sectoral Representative sa Bangsamoro Parliament.
References: Resolution No. 10984, *G.R. Nos. 242255, 243246, and 243693
Mula sa Facebook page ng COMELEC