27.9 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Single period confinement policy rule ng Philhealth, wawakasan na

- Advertisement -
- Advertisement -
LABIS na nagpapasalamat si Senator Bong Go, chairperson ng Senate Committee on Health, sa PhilHealth dahil sa unti-unti nitong pagtupad sa mga pangako sa sambayanang Pilipino, kabilang na dito ang pagtatanggal ng kanilang Single Period Confinement Policy.
Nitong Martes, September 24, 2024, ipinahayag ni Health Secretary and PhilHealth Board Chairman Teodoro Herbosa ang pagnanais ng Benefits Committee (BenCom) of the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) Board of Directors na irekomenda sa board en banc sa nalalapit na Biyernes ang paggawa ng bagong polisiya na magtatanggal sa Single Confinement Policy.
Ayon sa single period of confinement rule, ang ma-admit at mare-admit sa ospital para sa iisang sakit o procedure sa loob ng 90-calendar day period ay makakatanggap lang ng one case rate benefit mula sa PhilHealth.
Matatandaan na noong huling pagdinig sa Senado ay binigyang-diin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng agarang pagkilos ng PhilHealth. Aniya, ang pagtanggal ng single confinement policy at ang pagpapalawak ng mga benepisyo ay isang hakbang sa pagpapabuti ng healthcare services para sa mga Pilipino. Kaya labis niyang ikinatuwa ang balitang ito.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -