32.5 C
Manila
Miyerkules, Nobyembre 27, 2024

NYC niliwanag ang mga Voting Registration FAQs

- Advertisement -
- Advertisement -
WALA pa rin bang sagot sa tanong mo kaya hindi ka pa nakakapag-register? Don’t worry because here are some Voting Registration FAQs mula sa National Youth Commission (NYC).
Ano ang age requirement for Midterm Elections?
Dapat ikaw ay 18 years old sa araw ng elections para makaboto.
Pwede ba mag-register online?
As of now, maaaring magset ng appointment online sa pamamagitan ng iRehistro (https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/iRehistro).
Tandaan: Accomplishing the online form does not automatically make you a registered voter. Kailangan mo pa rin pumunta sa nearest Comelec office or designated registration centers at magdala ng 3 copies ng printed online application forms for QR scanning and biometrics capture para makompleto ang filing process.
Anong documents ang kailangan ko dalhin?
Kailangan mo ng valid government-issued ID bilang patunay ng iyong pagkakakilanlan at CEF Form 1. (driver’s license, passport, postal ID, etc. For list of valid IDs, click this link: https://bit.ly/GovtValidIDs)

What happens if I miss the registration deadline?
Kapag hindi ka nakapagparehistro bago ang deadline, hindi ka na pwedeng bumoto sa darating na midterm election. So, mark your calendars and register early.
Ano pa’ng hinihintay mo? Register now ’til September 30, 2024!
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -