30.5 C
Manila
Linggo, Setyembre 29, 2024

Mga siklistang Bacooreno sama-samang mag-pedal para mas ligtas na Bagong Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -
SA patuloy na pagsulong sa mas mabilis at ligtas na transportasyon, matagumpay na isinagawa ng Department of Transportation (DoTr) at lokal na pamahalaan ng Bacoor sa Cavite, ang groundbreaking ceremony sa dagdag na active transportation infrastructure ngayong araw, ika-25 ng Setyembre 2024.
Ang proyekto ay mayroong 18.96-kilometrong Class 1 at Class 2A bike lanes na mapakikinabangan ng mahigit 600,000 active transport users, katulad ng mga siklista, estudyante, empleyado at iba pa.
“Ito ay para sa inyo at kami ay magsisimula na kaagad na gawin itong bike lane na ito para mapakinabangan natin at makakatulong sa solusyon natin ng traffic. Sana ay gamitin natin ang bike lane na ‘to para maging kapaki-pakinabang at masulit yung pera ng gobyerno na gagastusin natin dito sa proyektong ito,” ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bacoor City Mayor Strike Revilla sa proyekto dahil makatutulong itong maibsan ang trapiko sa lugar at magbigay ng mas ligtas na bike lanes para sa mga siklista.
“The expansion of active transport infrastructure in the City of Bacoor can be considered a major breakthrough in terms of providing alternative but equally safe network and modes of transportation sa ating mga kababayan,” ayon kay Mayor Revilla.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -