UPANG patuloy na matanggap ang cash grants mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program(4Ps) binigyang-diin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo nito na dapat sumunod sa mga kundisyon na nakapaloob sa programa.
“Kung wala po kayong natupad sa mga conditions na nakalagay doon sa inyong oath of commitment ay wala po talaga kayong matatanggap na cash grants dahil ang cash grants natin ay nakabase doon sa pagtalima o pag-follow doon sa conditions na itinakda ng program,” sabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce sa third episode ng ‘4Ps Fastbreak’.