NAKIISA ang mga kawani ng Port Management Office (PMO) ng Davao sa opening ceremony ng 25th National Maritime Week at 29th National Seafarer’s Day na ginanap sa DPWH XI – DEO, Panacan, Davao City ngayong huling linggo ng Setyembre taong 2024.
Bago nagsimula ang seremonya, nagkaroon ng tradisyonal na blowing of horns at dressing of ship na ginanap ng alas-8 ng umaga bilang pagsisimula ng nasabing pagdiriwang. Nagkaroon din ng pagpupulong na nakapokus sa pagpapalakas ng suporta sa mga marino, gayundin ang pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa kaligtasan sa dagat at patuloy na pagpapaunlad ng industriya ng maritime sa bansa.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa pangunguna ni PMO Davao Port Manager Analee Aguila kasama sina CG Commo. Rejard Marfe ng Philippine Coast Guard at Margaret Estrella na kumakatawan kay Director Felisa Orongan ng Maritime Industry Authority (MARINA). Dumalo din bilang mga espesyal na bisita sina Police Major Rober Sitjar Jr. ng PNP Maritime Group, Jason Oraiz, kinatawan ng CHED 11 mga opisyales at estudyante ng Maritime Schools, Holy Cross of Davao College, MATS College of Technology, at Agro-Industrial Foundation College of the Philippines, Inc.
Layon ng okasyon na ito na mabigyan ng parangal ang serbisyo at dedikasyon ng mga seafarers at ang kontribusyon nito sa pandaigdigang industriya ng maritime.