NASA 19 na mula sa 64 Common Legislative Agenda priority measures ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naisabatas na dahil sa pagtutulungan ng Senado at Kongreso.
Sa 6th Legislative Executive Development Advisory Council Meeting na pinangunahan ni PBBM, iniulat ni Senate President Francis Escudero na madadagdagan pa ng lima ang bilang ng mga aprubadong batas sa Senado bago matapos ang taon.
Sa Kongreso, dalawa na lang sa legislative priority agenda ng Pangulo ang isinasapinal para maipasa bilang batas pagsapit ng Disyembre, ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.