26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

KWF, maglulunsad ng Aklat ng Bayan

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGLULUNSAD ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 26 Setyembre 26, 2024, 10:00 nu–12:00 nt sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila.


Kabílang sa mga aklat na ilulunsad ay ang Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon; Tandang Bato: Ang mga Manunulat sa aking Panahon, awtor, Efren  Abueg; Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon para sa mga Bata, awtor, Eugene Evasco; Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, awtor, René Descartes, tagasalin, Emmanuel C. de Leon; Ang Berdugo at mga Piling Kuwento, awtor, Honoré de Balzac, tagasalin, Aileen Sicat; Margosatubig, awtor, Ramon L. Muzones, tagasalin, Agnes Dimzon; Kalipunan ng mga Akdang Dulang Mindanawon, mga awtor: Felimon B. Blanco, Rene V. Carbayas, Arthur P. Casanova, Angelito G. Flores, Arnel M. Mordoquio, Sunnie Noel, at Pepito Sumayan, editor: Arthur Casanova; Maka-Pilipinong Pananaw: Mga Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan, editor, Alvin Yapan.
Ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bílang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.
Para sa iba pang detalye, tanong at paglilinaw, maáaring makipag-ugnayan sa Sangay ng
Impormasyon at Publikasyon (SIP) sa email na [email protected].

Previous article
Next article
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -