32.8 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Sa daigdig na ‘Kulay Lila’ ni Lola: Isang pagtanaw sa paksang kamatayan sa panitikang pambata

- Advertisement -
- Advertisement -

Una sa 2 bahagi

KATATAPOS lamang ng Manila International Book Fair sa SMX Convention Center. Isa sa mga nalathalang aklat pambata mula sa OMF Literature-Hiyas ay tumalakay sa pagharap sa pagpanaw ng isang minamahal. Pinamagatang “Love na Love ni Lola ang Lila,” ang kuwentong ito ay sinulat ni Jacqueline Franquelli, isang guro sa English Department ng Ateneo de Manila University na  nagwagi na rin ng karangalan mula sa Palanca Awards for Literature at PBBY Salanga Prize. Ang bilingual na aklat (Filipino at English) ay Iginuhit naman ni Aldy Aguirre, isang premyadong ilustrador.

Isa sa mga sample illustrations sa aklat na ‘Love na Love ni Lola ang Lila’; watercolor art ni Aldy Aguirre.

Totoo naman na kahit kailan, hindi madaling talakayin ang paksa patungkol sa kamatayan. Madalas ay iniiwasan ng nakatatanda na magpaliwanag sa bata kapag may isang kaanak na namatay. Mas madali pang banggitin na ‘nasa langit na si lola’ o ‘natutulog lang si lola’ kaysa sabihing namatay na ito. Pero sa aklat pambatang ‘Love na Love ni Lola ang Lila,’ maingat na hinawakan ni Franquelli ang paksang ito.

Si Jacqueline Franquelli, awtor ng aklat na tumalakay sa pagpanaw ng isang minamahal

Sa kuwentong ito na nasa anyong berso, naipakita ng awtor ang hindi napapatid na relasyon ng maglola sa kabila nang pagpanaw ng isa sa kanila. Ayon kay Franquelli, “nakabatay sa totoong tao at karanasan ang Love na Love ni Lola ang Lila. My Lola Nene, the mother of my mother, lived with us while I was growing up, at hanggang ngayon ay very vivid pa rin ang mga alaala niya sa isip ko kahit matagal na siyang yumao. Unang-una na roon ang pagkahilig niya sa kulay violet. Kung paano nag-umpisa ang kuwento – “Ang kuwarto ni Lola/ kumikinang sa kulay lila:/ kobre-kama, punda, kurtina,/ aparador, pintuan, pati na mga silya – isang pamilya ng lila!”/ – ganoong-ganoon talaga ang kuwarto niya. Bagay na bagay sa kanya ang totoong pangalan niyang ‘Maxima’ dahil isa siyang true maximalist!,” masayang kuwento ng awtor sa kanyang pagkaalala sa lola.

Ibinahagi pa niya na doon sa kuwartong kulay lila ng kanyang Lola Maxima (o Lola Nene), doon siya madalas maglagi tuwing hapon noong bata pa siya. “Iyong tipong walang big or special event, basta’t nagkukutingting lang ako ng kung anu-anong gamit ni Lola – mula sa lata ng biskwit na ginawa niyang tahian hanggang sa tokador at kabinet niya. Nakikipagkuwentuhan lang ako sa kanya o di kaya’y napag-uutusan. But those simple childhood memories are also some of my fondest. Looking back now, Lola was the event with her big personality and special ways. She was and is a central figure in my life. My memories of her were the seeds of this story,” pagbabahagi pa niya.


Si Lola Nene kasama ang mga apo (si Jacqui ang pinakadulo sa kaliwa).

Sa maraming pagkakataon, mapapansin na ang batang bida sa kuwento  at ang awtor na si Jacqui Franquelli ay iisa. At ang lolang tinutukoy sa kuwento ay walang iba kundi ang lola niya sa totoong buhay. Inamin ng awtor na napaka-personal ng akdang ito para sa kanya. Isa itong pagpupugay sa naging buhay ng kanyang lola na si Maxima ‘Nene’ Flores.

Alay sa alaala ni Lola Maxima ‘Nene’ Flores ang bagong aklat na ito ni Franquelli

Sa isang masayang sandaling pinagsaluhan ng lola at ng batang bida sa kuwento, ibinahagi ng awtor ang papel ng ube sa kanilang pagkain ng halo-halo: “Ngunit wala nang sasarap sa ginataang bilo-bilo ni Lola. Umaapaw sa sangkap: kamote, langka, sago, at saba. At ‘di puwedeng mawala ang ube sa eksena! Ito ang nagpapa-lila sa paborito naming miryenda.” Naalala kong bigla ang aking Lola Trining sa pagbanggit ni Jacqui  ng bilo-bilo dahil laging gumagawa  ang lola ko ng bilo-bilo mula sa galapong upang ihalo sa nilulutong paralusdos (na siyang tawag namin sa ‘ginataang bilo-bilo’ sa aming bayan sa Nueva Ecija).

Inilathala ito ng Hiyas ng OMF Literature Inc

Pinaglaruan ng awtor ang konsepto ng kulay, partikular ang kulay lila, upang maipaabot sa mambabasa ang reyalidad ng pagdating ng kamatayan.  Aaminin ko, hindi ko paboritong kulay ang lila. Nalulungkutan kasi ako rito. Noong bata pa ako, upod na ang ibang kulay ng krayola ko ngunit ang lila ay nananatiling buo pa rin. Pero sa kuwentong ito, itinampok ng awtor na ito ang paboritong kulay ni Lola. Nakaaaliw na ipinakita niya sa atin sa kung paanong ang daigdig ng naturang lola ay umiikot sa kulay lila — mula  sa kulay ng kuwarto hanggang sa mga pang-araw-araw niyang gamit (at maaaring hanggang sa suot niyang damit sa langit!). Napalitan ng malinamnam na ube at masarap na puto bumbong ang imahen ng malungkot na kulay lila!

Sa naganap na booksigning sa Manila International Book Fair. Kasama ni Franquelli sina Joshene Bersales (editor ng aklat), at mga ilustrador ng dalawa niyang aklat pambata: sina Aldy Aguirre (para sa “Love na Love ni Lola ang Lila”) at Juno Abreu (para sa “Alin? Alin? Ang Daming Damdamin!”)

Sa naganap na booksigning sa Manila International Book Fair. Kasama ni Franquelli sina Joshene Bersales (editor ng aklat), at mga ilustrador ng dalawa niyang aklat pambata: sina Aldy Aguirre (para sa “Love na Love ni Lola ang Lila”) at Juno Abreu (para sa “Alin? Alin? Ang Daming Damdamin!”)

- Advertisement -

“Makulay ang character ni Lola, at tumatak ito sa batang bida sa kuwento lalung-lalo na ang pagkahilig ni Lola sa violet o lila,” kuwento pa ni Franquelli.  “Habang tumatagal, mas lumalalim ang pagkaunawa ng bata sa kung bakit love na love ni Lola ang kulay lila. Hindi lang ito basta kulay ng kuwarto niya at karamihan sa mga gamit dito, o ng palagi niyang suot na daster, o maging ng paborito niyang lutuin at kainin pang- meryenda.”

Ipinaunawa ni Franquelli na may malalim na emotional connection si Lola sa kulay na ito. “And throughout the story we see how the young girl develops a deep emotional connection with her grandmother as well as she gets to know more about this important and ever-present figure in her life and even learns valuable life lessons from her, so much so that she ends up loving the color violet too!”

Ang daigdig na kulay-lila ni Lola kalaunan ay pumasok na sa kamalayan ng batang bida. Tingnan n’yo na lang linyang ito sa aklat na nakasulat sa English (ang aklat ay nakasulat sa dalawang wika – Filipino at English):

“Soon I became like her: lover of lilac, indigo, lavender,

magenta, plum, purple – beautiful violet colors!

Grandma glowed with such delight

- Advertisement -

and sang her praises to any friend in sight:

“What did I say? The child takes after me!”

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -