29.4 C
Manila
Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

DBM Sec Pangandaman dumalo sa 4th Philippines-Singapore Business and Investment Summit

- Advertisement -
- Advertisement -
NAKIBAHAGI si Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa 4th Philippines-Singapore Business and Investment Summit (PSBIS) nitong ika-19 ng Setyembre 2024.
Kabilang sa mga tinalakay ni Secretary Mina sa kanyang opening statement sa panel discussion ang mga hakbang ng gobyerno upang tugunan ang climate change, kabilang ang pagtaas ng climate change expenditures.
“As you can see, sustainability is key in our Agenda for Prosperity. This is our commitment to the Filipino people, including and especially future generations,” pahayag ni Sec Mina.
Ibinahagi rin ng Budget Secretary na tumaas sa 16 percent ang inilaang pondo para sa climate change expenditures. Higit itong mas mataas sa 12 percent na target sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Kasama ni Sec. Mina sa panel discussion sina National Economic and DDevelopment Authority (NEDA) Secretary Arsenio  Balisacan at Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Republic of the Philippines to the Republic of Singapore Medardo Antonio Macaraig, habang si DBM Undersecretary Margaux Salcedo ang nagsilbing moderator.
Nagpahayag naman ng keynote address si Department of Finance Secretary Ralph Recto.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -