MAS maunlad at mas maaliwalas na kinabukasan para sa 1,270 na Palawenyong benepisyaryo ng repormang pansakahan ang layuning maihatid ng 1,234 E-Titles at 53 Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR), sa Coron, Palawan.
Ang mga titulong ito ng lupa ay bahagi ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng DAR na tumutulong sa pagpapaunlad ng mga lalawigan at suporta sa Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project na naninigurado ng seguridad ng mga lupa sa pamamagitan ng pagbibigay na bawat isang e-title.
Sa seremonya, hinikayat ni PBBM ang agriculture graduates na nakatanggap ng CLOA na magsagawa ng makabago at maunlad na pamamaraan ng pagsasaka.
Ipinagdiwang din ng Pangulo ang pagkakaloob ng farm-to-market roads sa Roxas, Taytay, at Coron na magpapabilis sa paghahatid ng ani sa pamilihan at makatutulong para maiwasan ang pagkasira ng mga produkto.