26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Cayetano, isinusulong ang agarang pagpasa ng Phivolcs modernization bill

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAHAYAG ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, Setyembre 18, 2024 ang kanyang buong suporta sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Aniya, kailangan ito upang palakasin ang kahandaan ng bansa sa sakuna.

“Parati natin sinasabi ‘sana we have more facts,’ ‘sana may warning.’ The good news is that we can be more ready,” wika ni Cayetano nitong September 18, 2024 sa kanyang sponsorship speech para sa Senate Bill No. 2825 sa ilalim ng Committee Report No. 322 o ang Phivolcs Modernization Act.

“We can move towards having the best data at the earliest possible time if we pass this bill,” dagdag niya.

Layunin ng panukala na bigyan ang Phivolcs ng mas makabagong kagamitan at imprastruktura, pagbutihin ang kanilang pananaliksik at pagbibigay ng impormasyon sa publiko, at palawakin ang kanilang kakayahan sa pag-monitor ng mga sakuna.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Science and Technology, sinabi ni Cayetano na hindi lang ang Phivolcs ang makikinabang sa panukala kundi pati na rin ang iba pang mga ahensya ng gobyerno patungo sa modernisasyon.

“It will really help a lot of people but it will also open the doors for modernization of not only DoST [Department of Science and Technology] and DICT [Department of Information Communications Technology], but of many agencies of government,” wika niya.

Binigyang diin ni Cayetano na mahalaga ang panukalang ito para mapabuti ang kahandaan ng bansa sa mga sakuna tulad ng lindol, pagsabog ng bulkan, at tsunami.

Sa kanyang sponsorship speech, pinunto rin ng senador ang kahalagahan ng agarang pagpapasa ng panukala lalo na’t madalas napapabayaan ang kahandaan sa sakuna hanggang sa huli na ang lahat.

“Kailangan na kailangan natin ito pero naaalala lang natin ‘pag wala [na] tayong nasasabi sa ating sarili kung hindi ‘sana mas handa ako,'” sabi niya.

“With this bill, mas magiging handa po tayong lahat,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -