MAY sasaklolo na sa medical emergencies ng mga residente sa mga liblib na komunidad sa Region 6 at Negros Island Region sa tulong ng 51 state-of-the-art Patient Transport Vehicles (PTV) na dala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa turnover ceremony sa Passi City, Iloilo, binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng paghahatid ng agarang tulong sa lahat. Kanya ring inanusyo ang higit P2 bilyong budget na inaprubahan ng Office of the President para sa 1,000 na karagdagang PTV na maghahatid ng mas mabilis na emergency medical response sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa.