25.1 C
Manila
Miyerkules, Enero 22, 2025

Sen Bong Go: Huwag pahirapan ang mga mahihirap

- Advertisement -
- Advertisement -
SA pagdinig ng Senate Committee on Finance, kinuwestiyon ni Senator Bong Go ang accuracy ng beneficiary validation ng Department of Social Welfare and Development at ang delay sa pagdating ng mga financial assistance sa mga rehiyon na naapektuhan ng kalamidad. Gayong nagpahayag ng suporta si Senator Bong Go sa mga program ng DSWD, nais niyang tiyakin na agad na naaabot ng kanilang mga programa ang mga Pilipinong nasa vulnerable sector.
Nilinaw naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa komite na hindi budget ang problema sa delays, kundi ang kakulangan ng Special Disbursing Officers (SDOs) sa ahensiya na siyang responsable sa pag-withdraw at pag-distribute ng ayuda. Nanghingi naman ng agarang solusyon si Senator Bong Go. Binigyang-diin ng senador na dapat unahin ng DSWD ang pagtulong sa mahihirap at tiyaking maibibigay kaagad ang tulong.
Sa huli, inulit ni Senator Bong Go ang kanyang suporta sa pag-institutionalize ng mga programa na tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Kaya hinihimok niya ang DSWD na manatiling tapat sa misyon nito na tulungan ang mga marginalized na komunidad. Nanawagan siya sa ahensya na iwasan ang mga pagkiling sa pulitika at tiyaking lahat ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay nakakatanggap ng kinakailangang suporta.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -