MALUGOD namin kayong iniimbitahan na lumahok sa Layag 2: Forum sa Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Salin na magaganap sa ika-30 ng Setyembre, 2024, Lunes, 1:00-4:00 n.h. sa pamamagitan ng Facebook Live. Pokus ng talakayan ang temang βPagsusulong ng Batas sa Pagsasalin at Epekto ng AI sa Pagsasaling Filipinoβ upang matalakay ang mga patuluyang inisyatiba sa pagsusulong ng panukalang batas sa propesyonalisasyon ng mga tagasaling Pilipino; maitaya ang mga epekto ng Artificial Intelligence sa praktika ng pagsasalin sa mga wika sa Pilipinas; at magsama-sama ang mga sambayanan
para sa pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Salin.
Tampok na mga tagapagsalita sina Dr. David Michael San Juan, tagapangulo ng Pambansang Komite sa Wika at Salin-Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura at Dr. Ramon Guillermo, Direktor, Center for International Studies, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Inorganisa ito ng KasΓ‘lin Network na binubuo ng mga institusyon at indibidwal na hangaring maorganisa ang mga tagasalin para sa pagkilala at propesyonalisasyon ng pagsasalin sa buong bansa.
Para sa iba pang impormasyon, mag-email sa [email protected].