26.5 C
Manila
Biyernes, Setyembre 20, 2024

Magandang balita sa mga pasahero ng MRT-3

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY handog na Libreng Sakay ang MRT-3 para sa mga kawani ng gobyerno mula Setyembre 18 hanggang 20, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Makakakuha ng Libreng Sakay ang mga kawani ng gobyerno sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 sa nasabing tatlong araw.

Kinakailangan lamang na magpakita ng employee ID sa station personnel upang mapatunayan na sila ay kawani ng gobyerno at makatanggap ng Libreng Sakay. 

“Binabati at pinasasalamatan po natin ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno na naglilingkod nang tapat para sa kapakanan ng publiko. Layon ng Libreng Sakay ng MRT-3 na makapaghatid ng kahit kaunting kasiyahan sa kanila na tanda ng aming pagsaludo at pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo. Mabuhay ang mga kawani ng gobyerno!” sabi ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon.

Ang unang biyahe ng tren mula sa North Avenue Station ay 4:30 ng umaga at 5:05 am naman mula sa Taft Avenue Station.

Samantala, ang huling biyahe ay 9:30 pm sa North Avenue Station at 10:09 pm naman sa Taft Avenue Station.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -