26.5 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Herbosa: DoH maglulunsad ng malawakang ‘Bakuna Eskwela’

- Advertisement -
- Advertisement -
SA isang press briefing, tinalakay ni Department of Health (DoH) Secretary Teodoro Herbosa ang mga hakbang para pataasin ang immunization rates sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Herbosa, maglulunsad ang ahensya ng malawakang “Bakuna Eskwela” sa October 7, bilang bahagi ng “Big Catch Up” campaign ng DoH. Sa ilalim ng kampanya, makatatanggap ang public school students ng bakuna para sa measles, rubella, tetanus, diphtheria, at human papillomavirus o HPV.
Ayon pa sa Kalihim, mahalaga ang partisipasyon ng pribadong sektor sa national immunization program. Planong gawing mandatory ng DOH ang pag-report ng bilang ng mga batang kanilang nababakunahan sa mga private clinic.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -