25.7 C
Manila
Huwebes, Setyembre 19, 2024

Sen Zubiri nagpasalamat sa Hawak Kamay Foundation na binuo ng kanyang anak na si Adriana

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG ibinalita ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri sa kanyang Facebook page ang ginawang pagtulong ng Hawak Kamay Foundation na binuo ng kanyang anak na si Adriana.
Aniya, Higit 540 families po na tinamaan ng Bagyong Enteng ang nabigyan natin ng kaunting tulong sa Antipolo City kahapon, Setyembre 15, 2024, through the initiative of my eldest daughter Adriana and her Hawak Kamay Foundation.
” Galing po sa ating personal funds at sa funds na nakalap ng Hawak Kamay, naghanda tayo ng mga relief goods para sa ating mga beneficiaries.
“Kasama ni Adriana sa distribution kahapon ang aking kabiyak na si Audrey, ang aking mother-in-law na si Mommy Dette, at ang mga kaibigan ni Adriana sa Haway Kamay Foundation, para personal na ibahagi ang ating relief goods sa mga beneficiaries.
“Maliban sa relief goods, nagbigay rin tayo ng kaunting tulong pinansyal at pakikiramay sa mga pamilya na namatayan noong binagyo ang Antipolo.
“Nagpapasalamat tayo sa tulong at mainit na pagtanggap nina Mayor Jun Ynares, Vice Mayor Pining Gatlabayan, mga City Councilors, at mga officer at staff ng Antipolo City LGU, lalo na ng Brgy. Muntindilaw! May God bless you all!
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -