25.7 C
Manila
Huwebes, Setyembre 19, 2024

Pahayag ni Sen Hontiveros sa hiling ng kampo ni Quiboloy para sa hospital arrest sa Davao City

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador Risa Hontiveros tungkol sa paghingi ng pahintulot ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na mag-hospital arrest sa Davao City.

Aniya, “Seryosong mga krimen ng human trafficking, rape, at child abuse ang kinakaharap ni Apollo Quiboloy. Dapat pantay-pantay ang trato sa mga akusado, anuman ang kanilang katayuan o koneksyon.

“Dapat walang special treatment sa kanya. Napaka-entitled at wala sa lugar ang paghiling niya ng hospital arrest sa Davao. Bakit nga ba sa Davao? Dahil ba may isang kaibigan siyang maimpluwensiya doon?

”Wala din siyang karapatan na mamili kung saan niya gustong ma-detain. Wala na siya sa loob ng “King Dome,” kaya huwag na siyang mag-astang Diyos.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -