25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Youth For Peace Baguio, ibinahagi ang kanilang programa para sa mga kabataan

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINAHAGI ng Youth for Peace (YFP) Baguio Chapter ang patungkol sa adhikain ng organisasyon partikular na sa paglinang pa sa kaalaman ng mga kabataan para maging epektibong katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng bayan.

Ayon kay YFP Baguio Chapter President Jenny Rose Palangdao, ang YFP ay nagbibigay sa mga kabataan ng mga konkretong pagkakataon upang makilahok sa mga proyekto para sa sustainable development tulad ng tree planting, disaster response, at educational sponsorships. Ito ay upang mailayo ang mga kabataan sa bisyo gaya ng pag-inom ng alak, paggamit ng ilegal na droga, at higit sa lahat, pagsapi sa komunistang grupo.

Nakatutulong sa paglulunsad ng mga programa ng YFP ang suporta na natatanggap nila mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, maging ang pamahalaang panlungsod.

Bagama’t hindi nakadepende ang organisasyon sa pondo na ibinibigay ng mga ahensya, laking pasasalamat nila sa mainit na pagtanggap at pagsuporta sa kanilang mga proyekto.

“I want to praise our group as something who is not relying on financial, but we do accept. We do projects na hindi naman kailangan ng ganitong budget, however, in terms of activities that we do, we have partner organizations [and], we have stakeholders na tinatawag.”

Binigyang-diin din nito ang mahalagang papel ng YFP sa pagsusulong ng kapayapaan. Aniya, layunin ng kanilang mga programa na hikayatin ang kabataan na lumahok sa mga hakbang upang maiwasan ang radikal na impluwensya at sa halip ay makatulong sa pagbuo ng mas mapayapa at maunlad na komunidad.

Sa pamamagitan ng Youth Leadership Summit (YLS), nabibigyan ang mga kabataan ng pagkakataon na maging bahagi ng YFP. Dito nahahasa ang kanilang kakayahang mamuno pamumuno at personal skills sa loob ng tatlong araw, na mahalaga sa paghubog ng isang lider sa hinaharap.

“I do believe that the youth are not the leaders of tomorrow but the leaders of today. Kailan pa magiging lider ang isang bata? Pag-30 years old na sila? Pag-committed na sila, may anak na, nag-graduate na sila ng college. Kailan pa magiging leaders ang mga kabataan? I do believe that it is now. The best time to be the leader is not yesterday, not tomorrow, but now,” ani Palangdao.

Ang organisasyon ay bukas para sa hinaing ng mga kabataan, gaya na lamang ng usapin ng gender, mental health, education, labor, traffic, modernization, at digitalization.

“We have a platform for that and you can do something about it rather than going into ways that create more disturbance than peace.” Ang organisasyon ay pinapatakbo ng mga kabataan para sa mga kabataan.

“We stand as the youth, represented by the youth, and being maintained by the youth,” dagdag ni Palangdao.

Ang YFP ay sumasalamin sa kasabihang, ‘ang kabataan ay hindi lamang hinaharap ng ating lipunan—sila ang ngayon’. Ang bawat pangarap at aksyon ng kabataan ay nagsusulong ng mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat. (JDP/DEG/Fatima Gilledo, PIA-CAR, PHINMA UPang Intern]

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -