25.8 C
Manila
Huwebes, Setyembre 19, 2024

Sen Dela Rosa dumalo sa hearing ng budget ng NEDA

- Advertisement -
- Advertisement -
DUMALO si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Miyerkules sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Finance sa pangunguna ni Chairwoman Grace Poe para talakayin ang panukalang pondo ng National Economic and Development Authority (NEDA) gayundin ang mga kalakip nitong ahensya at mga korporasyon.
Sa gitna ng pagdinig para sa pondo ng Philippine Statistics Authority (PSA), nabuksan ang usapin kaugnay ng pamemeke ng mga birth certificate sa Sta. Cruz, Davao Del Sur at ang kahina-hinalang paglobo ng mga naturang kaso na umabot na sa mahigit isang libo. Nanawagan naman si Sen. Bato ng ibayong pagmamatyag sa pamunuan ng PSA upang mapigilan ang pananamantala ng ilang mga dayuhan at ilang mga kawani ng gobyerno sa paglabag sa proseso ng late birth registration.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -