27.6 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Pinaalalahanan muli ni Sen Bong Go ang Philhealth

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY ang pagpukpok ni Senator Bong Go sa Philhealth na ayusin na ang kanilang pagseserbisyo para sa kapakanan ng bawat Pilipino

Muling nanawagan si Senator Bong Go, chairperson ng Senate Committee on Health, sa PhilHealth na gamitin ang kanilang pondo para sa kapakanan at kalusugan ng bawat Pilipino.

Sa isang radio interview sa kanya nitong Huwebes, September 12, 2024. Ibinahagi niya ang maliit na coverage na sinasagot ng PhilHealth kada case rate. Aniya, dapat palawakin pa ng ahensiya ang mga sakit na puwedeng gawan ng benefit packages.

Ipinahayag ni Senator Bong Go ang kanyang pagkadismaya para sa mga Pilipinong nag-ko-contribute ngunit hindi man lang mapapakinabangan ang kontribusyon sa oras ng pangangailangan.

Patuloy na pupukpukin ni Senator Bong Go ang PhilHealth dahil sa bawat delay ng ahensiya ay ilang buhay na ng kababayan natin ang nawawala dahil sa sakit na sana’y natugunan ng PhilHealth ang gastusin.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -