26.7 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Pahayag ni Sen Risa Hontiveros sa arraignment ni Quiboloy sa Pasig RTC

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador Risa Hontiveros sa arraignment ni Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig RTC (Regional Trial Court).

Aniya, “Karapat-dapat managot sa batas si Apollo Quiboloy. He and his co-accused have caused unspeakable pain to women, children, and the most vulnerable.

“Ang pagpapaharap sa kanila sa hukuman ay isang malaking hakbang tungo sa ganap na hustisya.

“Partikular na nagpapasalamat tayo kay alias Amanda. Siya ang isa sa unang nag-testify in public, sa pamamagitan ng Senado, para isiwalat ang sistematikong panggagahasa, pang-aabuso, at pananamantala ni Quiboloy.

“Until now, her courage has inspired more victim-survivors to fight for justice. Kaya magpapatuloy ang aming Senate hearing.

“Papaharapin natin si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa Senado. Maraming biktima pa ang gustong mag-testigo para ipaglaban ang kanilang pagkatao, ang kanilang dignidad, at ang buong katotohanan.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -