30 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

DBM head nanguna sa pamamahagi ng ‘Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat’ sa Cotabato

- Advertisement -
- Advertisement -
PINANGUNAHAN n Department of Budget and Management  Secretary Amenah Pangandaman ang pamamahagi ng Presidential Assistance “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para Sa Lahat” sa Koronadal City, South Cotabato ngayong ika-13 ng Setyembre 2024.
Sa mismong kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos, binigyang-diin ni Secretary Mina ang adhikain ng Pangulo para sa isang inklusibong pag-unlad.
“Ganyan po tayo kamahal ng ating Pangulo. Gusto po niya na ang kanyang kaarawan kapag pinagdiriwang, sama-sama po tayo lahat at walang maiiwan,” pahayad ni Sec. Mina.
Ilan sa mga ipinaabot na tulong ay ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage Workers (Tupad) Program, Job Fair, Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) skills training, Assistance to Individuals in Crisis Situation, Medical Checkup mula sa Department of Health, at iba pang assistance mula sa Department of Agriculture Assistance, Department of Trade and Industry.
Nasa humigit-kumulang sa 2,000 nating mga kababayang ang natulungan ng programa sa South Cotabato.
Kasamang namahagi ng tulong ni Sec. Mina sila DBM Undersecretaries Wilford Will Wong at Margaux Marie Salcedo, Vice Governor Arthur Pingoy Jr., DBM Region 12 Director Akmad Usman, at mga opisyal ng ibang ahensya sa rehiyon.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -