26.3 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Abalos: Noturyos na child trafficker naaresto sa UAE

- Advertisement -
- Advertisement -
NAG-ULAT si DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos na nasakote nila ang noturyus na child-trafficker na si Teddie Jay Mejia sa UAE. Ito ang pahayag ni Abalos.
“Isang notoryus at walang-awang big-time child trafficker na nambibiktima ng daan- daang batang Pilipino ang naaresto sa UAE. Sa ating pakikipagugnayan at sa tulong ng pamahalaan ng UAE, ang child trafficker na ito ay ating ibabalik sa Pilipinas bukas.
Ang tagumpay na ito ay isang napakalaking hakbang sa matinding laban ng gobyerno kontra human trafficking at sa maigting na pagprotekta sa ating mga kabataan mula sa mga mapang-abuso.
“Para sa mga walang-pusong nang-aabuso ng menor de edad na kabataan, malinaw ang mensahe: wala kayong ligtas na taguan; kahit saan man kayo pumunta tiyak na haharap kayo sa batas upang manaig ang hustisya.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -