26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Angara: Saludo kami sa ‘yo, EJ

- Advertisement -
- Advertisement -
BINISITA ngayong araw, Huwebes, Setyembre 12, si World’s Number 3 Pole Vaulter Ernest John “EJ” Obiena ang Kagawaran ng Edukasyon upang makipagpulong kay Secretary Sonny Angara ukol sa kanyang mga mungkahing inisyatiba para mas mapagtibay ang mga sports program ng Kagawaran lalo na sa Athletics, partikular sa pole vault.
Kasama ang Milo Sports, ipinahayag ni EJ ang kaniyang suporta sa grassroots school sports program ng Kagawaran.
Binati naman ni Secretary Angara si EJ sa kaniyang matagumpay na karera sa pole vault at malugod na tinanggap ang mga mungkahi nito para sa Palarong Pambansa.
Kasama rin ni EJ ang kanyang ina na si Jeanette Obiena na nagsilbi ring Technical Consultant ng Athletics sa Palarong Pambansa ngayong taon.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -