AYON sa pinakahuling ulat ng Pagasa-DoST kahapon, 5:00 pm ng Setyembre 2, nasa TCWS no. 2 pa rin ang Ilocos Norte, Apayao, silangang bahagi ng Kalinga, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, at ang hilagang bahagi ng Aurora dahil sa Tropical Storm #EntengPH.
Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management offices na manatiling handa sa epekto ng bagyo.