26.8 C
Manila
Sabado, Setyembre 14, 2024

Mensahe ni VP Sara para sa Araw ng mga Bayani

- Advertisement -
- Advertisement -
NGAYONG National Heroes Day, gunitain po natin ang ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bayan. Sana sa ating pagbabalik-tanaw sa ating kasaysayan ay matutunan natin ang mga aral tulad ng paninindigan, katapangan, pagmamahal sa kapwa at tapat na paglilingkod sa bayan.
Maging inspirasyon din sana natin ang kanilang kadakilaan at gisingin ang mga bayaning nagkukubli sa puso ng bawat Pilipino, lalo na sa ating mga kabataan.
Tunay lamang nating masusundan ang halimbawa ng ating mga bayani sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan na nagtataguyod ng mga prinsipyong nagbibigkis sa lahat ng mga Pilipino. Mahalaga rin na tayo’y magsumikap upang tayo ay manatiling malaya, maunlad, at mapayapa bilang isang bansa.
Mabuhay ang Pilipinas!
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -