SA Local Governance Summit 2024, hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga LGU na magpatupad ng “smart solutions” para sa pag-abot ng Sustainable Development Goals at ng mga layunin ng bansa sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Nanawagan si PBBM para sa pinalakas na waste management bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis.
Inanunsyo rin ng Pangulo ang nalalapit niyang paglagda ng executive order (EO) na mag-aamyenda sa EO No. 138 para sa mas malinaw na devolution ng mga tungkulin at serbisyo sa mga LGU.