PINURI ni Senior Vice Chairperson ng Committee on Appropriations at Marikina Rep. Stella Quimbo ang mabilis na pagtugon ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina sa Siyudad ng Marikina.
Aniya, sinusuportahan din niya ang dedikasyon at malasakit ng Kagawaran na makatulong sa lahat ng nangangailangan sa panahon ng kalamidad.