30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

OCD: LGUs sa Cagayan Valley handa sa anumang klase ng kalamidad

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG katatagan ng mga mamamayan sa Cagayan Valley Region ay dahil sa kahandaan ng mga lokal na pamahalaan sa pagresponde tuwing may mga sakuna, ito ang inihayag ng Office of the Civil Defense (OCD) Region 2.

Ayon kay Regional Director Leon DG Rafael na sa mga magkakasunod na kalamidad, partikular ang mga bagyo, pagbaha at pagguho ng lupa ay ‘zero’ o kokonti lamang ang naitatalang casualty sa rehiyon na patunay na matatag ang mga mamamayan ng Lambak Cagayan.

Aniya malaki ang naitulong ng pagkakatatag ng mga Disaster Risk Reduction and Management Office sa bawat bayan na may kani-kaniyang mga kagamitan sa pagresponde.

Ayon din sa kaniya, ang patuloy na pagbibigay ng kasanayan at kapabilidad sa mga tauhan ng DRRM offices at rescue teams ay nagreresulta  sa mas maayos at maagap na pagsasagawa ng rescue, relief at response operations.

“Lubos tayong nagpapasalamat sa lahat ng mga lokal na pamahalaan natin dahil sila talaga ang susi sa maagap na pagresponde tuwing may sakuna. Wala o kung meron man ay kakaunti ang casualty natin kung may mga kalamidad patunay lamang na epektibo ang ating ginagawang paghahanda,” pahayag ni Rafael.

Pinuri rin nito ang mga lokal na opisyal at mga volunteer group sa kanilang dedikasyon sa pagligtas sa mga mamamayan tuwing may mga kalamidad.

“Mahalaga ang naging papel ng bawat ahensiya ng pamahalaan at mga grupong tumutulong tuwing may mga kalamidad lalo na sa paghahatid ng tulong sa mga nasa malalayong lugar,” dagdag ni Rafael.

Inihayag din nito na lahat na ng lokal na pamahalaan sa rehiyon ay nakabuo na ng kani-kanilang mga preparedness, contingency, response at rehabilitation plans sa lahat ng sakunang maaring mangyari sa rehiyon. (OTB/PIA Region 2)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -