IBINALITA ni Senador Loren Legarda na pasado na sa ikatlong pagbasa ang Senate Bill No. 2780 o Loss and Damage Find Board Bill na siya ang may akda at co-sponsor.
”Bumoto ako pabor sa Loss and Damage Fund Board Bill upang patatagin ang climate resilience ng bansa at makiisa sa pagkamit ng global climate justice.
“Sa pamamagitan ng pagbibigay ng juridical personality at legal capacity sa Loss and Damage Fund Board, sinigurado ng Pilipinas ang pagsisimula ng operasyon at epektibong paggamit ng Loss and Damage Fund na itinatag ng United Nations upang tugunan ang mapanirang epekto ng climate change, lalo na sa mga developing countries tulad ng Pilipinas.
”Ang batas na ito ay mahalaga para sa mga bansang labis na naapektuhan ng kalamidad dulot ng climate change.”